Bleu la Cafe'(061)

(This blog “Ma, baon ko!…Pasok na ako!” is a Back to School Story by Coffee Barista here in “Bleu la Cafe’”).

Nalalapit na naman ang pasukan. June 1 ang pasukan ng High School at Elementary students right? Some colleges or universities after a week or two pa ng June 1. Dito? Ang mga kapitbahay naming mga batang nag-aaral sa mataas at mababang paaralan ay re-ding re-di na… Nakabli na sila ng mga gamit pang-eskwela tulad ng lapis, bolpen, papel, kwa-derno (notebook), krayola, luler (ruler yun..), pambura na amoy pabrika na may iba’t ibang hugis…may hugis prutas, may plain white na may nakatatak ng letra, at kung anu-ano pang disenyo… at muntikan ko ng makalimutan nakabili na rin sila ng bagong sapatos, bag, medyas at u-ni-pormeng pang pasok…wheeew!Nakikita ko sa kanilang mga mata ang kasabikang pumasok sa paaralan. Dito sa amin dumadami ang bilang ng mga batang naglalaro ng tit-tser-tit-tse-ran yun yung parang classroom style na laro ng mga bata na may naka-assign na titser at may mga estudyante. Bago sila mag laro pumipili sila kung sino ang gusto nilang maging titser at the rest mga estudyante…

“Aaminin ko, nilaro ko ito noong bata pa ako… “ haha… Minsan ako yung titser minsan ako yung estudyante…

Aminin mo rin nilaro mo rin yun!!!haha…

Ano yung tinituro nila?? Mga kalimitang subject din sa isang paaralan…may Math, may Say-yans (science yun…), may Filipino, may Physical Education, may Arts at higit sa lahat may “Recess” – hindi pala subject yun…haha…After nilang mag-tit-tser-tit-tse-ran, maglalaro na sila ng sipa, patintero, habulan, buwan-buwan and more…edi ba laro na yung tit-tser-tit-tse-ran nila?? Ang gulo!!!…pero okay sa akin yung mga ginagawa ng mga batang iyon dahil hindi lang yun basta laro may natutunan din sila. Sosyal!

(Huwag kang mag-alala i-po-post ko dito sa aking blog site ang mga larong lahing nilaro ko noong bata pa ako…Larong lahi is larong pinoy…larong pilipino…)…

Ayon sa aking survey (kalokohang sar-bey na hindi dapat pagbasehan…) almost 80% ng mga batang pilipino (more…)