Ngayon ay Valentine’s Day… Ang pinaka-ayaw kong araw sa lahat… Sa iba oo gustong gusto nila itong araw na ito, pero ako pinaka-ayaw ko… Bakit? Malalaman mo kapag binasa mo ng buo ang blog kong ito…

Hunyo nitong nakaraang taon ng nag-away kami nitong kaibigan ko… Masyado akong nasaktan noong nag-away kami… Halos kalimutan ko siya dahil sa away naming iyon, pero hindi ko pa rin ginawa dahil sa may nararamdaman ako para sa kanya… Sa sobrang espesyal niya sa akin tuluyan ko lang kinalimutan ang hidwaan namin pero ang samahan at pagtingin ko sa kanya ay nanatili pa rin sa aking puso. Noong mga araw na magkaaway kami at walang komunikasyon, nananatili pa rin ang kanyang litrato sa aking pitaka. Sa tuwing nagbubukas ako ng pitaka sa grocery kapag nagbabayad akala ng mga nasa paligid ko na nakakita ng litrato niya ay nobya ko…Pero hindi espesyal siya sa akin… Sa isa kong cellphone ang litrato niya ang aking wall paper… Sa gilid ng aking desktop sa computer, meron din siyang litrato… Sa bag ko hindi rin mawawala ang litrato niya na nasa maliit na picture frame… Pagdating naman sa trabaho, sa loob ng aking drawer ay andun din ang kanyang litrato… Kulang na lang magpa-imprenta ako ng t-shirt na merong litrato niya…

Kahit magkaaway kami inaalala ko pa rin siya…Sa tuwing magsisimba ako, siya pa rin ang aking laging pinagdadasal. Kapag naririnig ko sa radyo ang kanyang paboritong kanta, naalala ko pa rin siya…
Ilang buwan ang lumipas… Desyembre – Nagpasko at Nag-new year… at dumating ang Enero nagkabati rin kami… Sabi ko sa sarili ko, “Hindi ko siya itetext…Titingnan ko kung maaalala niya pa ako kahit nag-away kami…” at nagtext nga siya sa akin… Nag-iba siya ng number… Namimili ako noon ng magtext siya sa aking cellphone…kinakamusta ako… Napangiti naman ako ng matanggap at mabasa ko iyon. At ayon na-develop nanaman ako sa kanya, kahit noong una niligawan ko siya pero binasted niya ako… Masakit noong una pero nitong mga nakaraang araw sinubukan ko uling ligawan siya pero bigo pa rin… Inisip ko siguro hindi talaga kami para sa isa’t isa… Pero may iba pa dyan na mas hihigit sa kanya… Habang naglalakad ako sa daan umiiyak ako dahil sa aking naramdaman… Pinagtitinginan din ako ng mga kasakayan ko sa dyip dahil umiiyak ako… Simula noong high school pa itong nararamdaman ko sa kanya… Ang sakit lang isipin na hindi rin pala niya ako mahal… Siguro ganito talaga ang magiging kapalaran ko…

Nagtanong tuloy ako sa aking sarili…

Ano ba ang aking nagawang mali?? Kasalanan ba umibig?? Umibig ba ako sa tamang oras o maling oras?? Dapat ko nga ba siyang ibigin?? Dapat ko bang ipagpatuloy kahit nasaktan na ako ng pangalawang beses?? Dapat ko ba siyang kalimutan?? Paano ang aming pagkakaibigan??

Aaminin ko sa mga nakakabasa nitong blog na ito …  Na sobrang minamahal ko ang babaeng tinutukoy ko dito… Sa tingin mo dapat ba akong sumuko??  O ipagpatuloy ko pa kahit pangalawang beses na ako nasaktan..?? dapat ko ba siyang kalimutan??

Wala akong kadala-dala… Nasaktan na nga ng dalawang beses, gusto pa ulit masaktan…

Dapat ba akong magpakatatag??

Siya ang aking nagiging inspirasyon sa araw araw kong trabaho… Kahit sa mga ka-trabaho ko kinukwento at pinagmamalaki ko siya… Feeling ko kami na pero hindi pala… Kelan ba ako aalis sa imahinasyong ito…??

Sa tingin mo may magmamahal pa ba sa akin??

Alam mo ngayong valentine’s day natulog lang ako at ginawa ko ang aking ibang trabaho… Hindi ako lumabas para mag-enjoy… Inisip ko na lang parang ordinaryong araw to sa akin…  Kahit sa panaginip man lang malaman ko ang mga kasagutan sa aking mga tanong… Kahit sa panaginip lang din mahalin niya ako kahit ganito ako ipaparamdaman ko pa rin sa kanya ang aking pagmamahal kahit walang kapalit mula sa kanya… Nais ko lang iparamdam na mahalaga siya sa akin…

Mahirap talagang turuan ang pusong magmahal… Kahit isang magaling na guro hindi magagawang turuan ang pusong magmahal.

Sana makaalis na ako sa pinagdadaanan ko ngayon… Paano ko ba sisimulan ang araw ko na hindi siya iniisip…?? Paano ako makakapagtrabaho ng ayos hindi siya iniisip…

Iniisip ko na lang na…Darating ang isang araw na may magmamahal para sa akin… Sino kaya iyon??

Valentine’s Day…Naaalala ko kasi ang mga luha at hirap ko sa mga babaeng niligawan ko… Yung mga sakit na aking naramdaman sa kanila…

Aking hiling… Sana may isang araw na maiparamdam ko sa kanya kung gaano siya ka-espesyal sa akin…