Today, kakafile ko lang ng resignation letter sa aking pinagtratrabahuan ngayon..hirap pa lang maging isang professor… pero enjoy…hindi ako aalis dahil sa aking mga estudyante… aalis ako dahil sa aking kalusugan, dahil sa aking mga BWISET na katrabaho… dahil at para sa professional growth ko…

Naiiyak man ng kaunti….pero hindi ako nagsisisi..dahil naging maganda naman ang aking performance dito sa pinagtratrabahuan ko…

Mas madaling turuan ang college students basta may tamang gabay at alalay lang…

San na ako ngayon papadpad?? may kumukuha sa aking isang skul na malapit lang sa aking tinitirahan… at yun ang aking kukunin.

Sa lahat ng aking mga katrabaho… may message ako para sa inyo…sana maging progressive kayo…ibahin ninyo ang approach ninyo sa mga students ninyo… masipag silang mag-aral basta may tamang gabay at inspirasyon sa kanila… matatalino ang mga estudyante ninyo…sana wag nyong sayangin ang talento nila…palaguin pa natin sila… gawin nating mag progresibo ang mga batang yan…sana huwag nating isipin yung sarili nating kapakanan..isipin natin silang mga estudyante… isipin natin kung anu yung magagawa natin mpara sa kanila… isipin natin na para sa kanila ito hindi para sa ating mga sarili,.. masakit mang iwanan ang mga estudyanteng iyan pero napakaswerte nila para sa akin…

Teachers, gabayan natin sila….

 

Ang pagtuturo ay isang bokasyon… huwag nating isipin palagi kung paano tayo kikita (dahil ba tayo ay may trabaho at kailangang kumayod)..hindi ee…isipin natin na nagtratrabaho tayo para sa kanila… gawin natin silang inspirasyon…at sana magkaroon kayo ng konsiderasyon sa kanila… ilagay nyo naman ang mga paa ninyo sa paa nila…

 

Huwag tayong maging sakim sa kanila regarding sa learning…kung anong nalalaman natin ibahagi natin sa kanila..kasi yun ang nararapat…

 

AT LASTLY, maging propesyonal naman kayo kumilos sa trabaho…  kung ano ang nakikita ng mga estudyante sa atin ay gagayahin din nila… ituro natin sa kanila ang tama hindi puro “KALOKOHAN”…

 

Hindi aasenso ang paaralan na yan kung hindi tayo magsisipag maigi…

 

isa pa pala…iwasan nating magsalita ng kung anu-ano sa isang tao… back stabbing ang nangyayari ee…bakit hindi ninyo tulungan ang bawat isa… kapag maykamalian ang isa paguusapan na sa loob ng faculty,,, be professional naman… tulungan na lang natin ang isat isa lahat tayo nagkakamali wala perpektong tao…

Huwag kang mag-alala may part 2 pa ito.,..

 

sana marealize nyo mga kamalian nyo…

 

tsk! tsk!

 

para sa admin:

Sir/Ma’am Thank you po sa lahat…wala po akong hinanakit sa inyo ng loob…tinulungan nyo po akong matupad ang aking pangarap na maging isang college instructor… masaya po ako dahil naging bahagi po ako ng institusyong ito… salamat po sa gabay at paalala… hindi ko po kayo malilimutan…

 

Sa mga students ko…thank you sa inyo…hindi ko kau malilimutan…

 

kayo ang aking inspirasyon….

 

SALAMAT…

 

I QUIT!

happy fufu

BABALA: Ang inyong mababasang mga salita ay maseselan. Pasintabi sa mga kumakain.

Normal sa ating mga tao ang magdumi or shall we call it “Deposito (Deposit)” or other cute term ay “Pooh – Pooh” ay mali pala, it’s “Pupu (Pu2x)” or other term ulit (na imbento ko na narinig ko rin sa iba…) “Fufu (Fu2x)”… I know this sounds very disguzzzting o nakakadiri pero it will help you a lot para sa pagdedeposito sa C.R… Again, if you cannot read this dahil sa mga naiisip mo ay huwag mo ng pilitin… (try to read my other stories..)  At babala ulit..maseselan ang mga salitang mababasa, pasintabi sa mga kumakain.

As I said, normal sa ating mga tao ang mag-deposito. Well, kasi nga naman pag hindi tayo mag-deposito magiging lason sa ating katawan ang ating “Fufu”. And yes, totoo yun. We should regularly make deposito at the “komport roooom” so that our araw is ba-yu-ti-pul (beautiful yun…). Masarap kayang gumalaw nang hindi inaalala ang iyong tiyan na sumasakit at feeling na “fufung-fufu” …(ay sorry..gandahan natin..) depositong – deposito ka na or (again) doing the Happy Fufu…  And that is true, take it from the expert.

Kapag nararamdaman kong depositong – deposito na ako, I go quickly to the bathroom. Well… normal naman ang delivery. Lagi akong nagdedeposito – kasi minu-minuto akong kumakain… Kakatapos ko lang kumain ng breakfast kakain pa ako ng iba… Dati kain ako ng kain pero hindi ako tumataba pero ngayon umi-epekto na… Medyo lumobo na ako. Sa aking paglobo, sinasamahan ko na rin ito ng proper diet at excercise. Kailangan din nating pangalagaan ang ating katawan at ang sobra sa katawan ay masama. Naniniwala akong “Health is Wealth” at sana ganun ka rin…

Balik tayo sa pag-dedeposito. Masaya at masarap sa pakiramdam kung ikaw ay magiging “SUCCESS!!!” sa iyong pagdedeposito. Ako, I feel better pagkaganun… Aminin mo ikaw rin ganun..di ba? di ba? Masarap?? Magaan sa pakiramdam… Masarap isigaw pagkalabas mo ng banyo na “SUCCESS!!! WHOOAAA!!!”… kung ikaw lang sa bahay mo ..pero ako hindi ko masigaw yan…kakahiya …sabihin ng nanay ko…

“Anong nangyayari sa iyo anak??”…

Ako? Kapag wala akong magawa sa loob ng banyo kapag nagdedeposito ako… nahihirapan akong magdeliver… Actually true… Kapag meron..aba! Okay… wala pang 5 minutes tapos na ako… Aminin mo ganun ka rin minsan…di ba??

Hindi na kita bibitinin… Hope makatulong sa iyo ang aking mga simple…

Tips kung Paano Makakamit ang Mapayapa at Maayos na “HAPPY FUFU”!

Heto ang mga simple tips o mga bagay (na iyong mabibitbit) na makakatulong sa iyo habang ikaw ay  nagpaparaos sa banyo… (more…)

Bleu la Cafe'(061)

(This blog “Ma, baon ko!…Pasok na ako!” is a Back to School Story by Coffee Barista here in “Bleu la Cafe’”).

Nalalapit na naman ang pasukan. June 1 ang pasukan ng High School at Elementary students right? Some colleges or universities after a week or two pa ng June 1. Dito? Ang mga kapitbahay naming mga batang nag-aaral sa mataas at mababang paaralan ay re-ding re-di na… Nakabli na sila ng mga gamit pang-eskwela tulad ng lapis, bolpen, papel, kwa-derno (notebook), krayola, luler (ruler yun..), pambura na amoy pabrika na may iba’t ibang hugis…may hugis prutas, may plain white na may nakatatak ng letra, at kung anu-ano pang disenyo… at muntikan ko ng makalimutan nakabili na rin sila ng bagong sapatos, bag, medyas at u-ni-pormeng pang pasok…wheeew!Nakikita ko sa kanilang mga mata ang kasabikang pumasok sa paaralan. Dito sa amin dumadami ang bilang ng mga batang naglalaro ng tit-tser-tit-tse-ran yun yung parang classroom style na laro ng mga bata na may naka-assign na titser at may mga estudyante. Bago sila mag laro pumipili sila kung sino ang gusto nilang maging titser at the rest mga estudyante…

“Aaminin ko, nilaro ko ito noong bata pa ako… “ haha… Minsan ako yung titser minsan ako yung estudyante…

Aminin mo rin nilaro mo rin yun!!!haha…

Ano yung tinituro nila?? Mga kalimitang subject din sa isang paaralan…may Math, may Say-yans (science yun…), may Filipino, may Physical Education, may Arts at higit sa lahat may “Recess” – hindi pala subject yun…haha…After nilang mag-tit-tser-tit-tse-ran, maglalaro na sila ng sipa, patintero, habulan, buwan-buwan and more…edi ba laro na yung tit-tser-tit-tse-ran nila?? Ang gulo!!!…pero okay sa akin yung mga ginagawa ng mga batang iyon dahil hindi lang yun basta laro may natutunan din sila. Sosyal!

(Huwag kang mag-alala i-po-post ko dito sa aking blog site ang mga larong lahing nilaro ko noong bata pa ako…Larong lahi is larong pinoy…larong pilipino…)…

Ayon sa aking survey (kalokohang sar-bey na hindi dapat pagbasehan…) almost 80% ng mga batang pilipino (more…)

Isang beses sa isang taon nagaganap ang isang pinaka-mahalagang okasyon sa ating buhay. Sa okasyong ito nagda-dag-dag tayo ng isang taon sa ating buhay. Dagdag isang taon, pero tingin ng ibang tao tumatanda na sila.

“Kaarawan” ang aking tinutukoy…

Sa bigkas ko “ber-dey”…haha

Sa wikang ingles “Birthday”…

Kapag parating na yung araw ng ating kaarawan, ang iba ay masaya at excited. Pero ibahin mo ako, kinakabahan ako kapag parating ang araw ng aking kaarawan. Hindi ko alam kung bakit… Pero noong bata pa ako, eks-sayted na eks-sayted ako kapag parating na ang aking kaarawan. Ngayon, kapag naiisip ko yung kaarawan ko at alam kong paparating na, kumakabog agad ang aking dibdib… May halong eks-saytment at kaba. Naiisip ko kasi na tatanda nanaman ako ng isang taon..ano naman kayang mangyayari sa akin sa darating na panibagong taon??

Noong bata pa ako (like I was 7 upto 13 years old) yung family ko, kapag parating yung birthday ko gusto nila swimming or outing somewhere. Ee kasi po yung birthday ko hagip ng summer… Ang summer sa Pinas ay nagsisimula ang last week of March hanggang May… Kaya ako, (more…)

BABALA: Maseselan ang mga salitang nakasulat at ang mga litratong nakalagay… Patnubay ng nakakatanda ay kailangan… Pasing-ta-bi sa mga kumakain…

Kapag pumapasok ako sa aming banyo, kapag maliligo ako o hindi naman kaya ay dudumi natatakot ako. Parang may phobia ako. May kinakatakutan na ayaw kong mangyari. Kaya kapag pumapasok ako sa C.R. doble ingat ako. Mas doble ingat pa sa mga tumutulay sa alambre.

Ang kinakatakutan ko ay… Kapag ang sabon aksidenteng nahulong sa inidoro…

Ang lakwatserong sabon...

Ang lakwatserong sabon...

… Ito ay ang…When “Sabon” meets “Inidoro”..

Flying from there to the inidoro...

Flying from there to the inidoro...

Inay ko po…

Hindi mapagkakailang heto minsan ang nangyayaring aksidente sa loob ng palikuran…uulitin ko… “Ang mahulog ang Sabon sa Inidoro”…

Itay ko po…

Halos nangungunang sakuna sa loob ng banyo ay ang pagkadulas dahil din sa sabon or other liquid products na natapon o iba pang bagay na makakapagsanhi ng aksidente. Kaya kayo ingat lang (more…)

Next Page »